ang ikalabing-tatlong salita

dahil hindi maisalita ang makating dila

ang pagbabalik…uli (hopefully mapanindigan ko to)

ayun lang, kung makasabi ako ng “pagbabalik” sa last blog ko eh kala mo naman may naghihintay sa akin..hahaha..sa sobrang tagal kong di nag-open, nagbago na pla ang format at kinakain nya ako ng buhay ngayon..well, mejo busy-busyhan lang ako nitong mga nakaraang panahon..sa sobrang busy ko, hindi na ako naliligo, kumakain, natutulog..hahaha..exaggerated!!..joke lang..di ako busy…tinatamad lang ako..hahaha..tinatamad akong mag-on ng laptop ko(ambisyosa, sa nanay ko pala itong laptop), tinatamad akong magconnect sa NET…tinatamad akong maglog-in sa wordpress at kung maglolog-in naman ako,,tinatamad akong magtype ng ibloblog..hindi ko kasi mailagay sa words ang mga gusto kong iemote kaya basa-basa na lang ng ibang blog..aminin nyo, may mga ganito din kayong mood..hahaha…

ano bang meron sa araw at oras na ito para mangati at sipagin akong magblog???..eto ang aking teorya:

-dahil naiinis (naiinggit) ako sa mga nagpopost sa Facebook tungkol sa masayang celebration nila ng Valentine’s Day..bitter na kung bitter…nakakain ako ng apdo eh..hahaha…

-dahil nakita ko ang pictures namin sa splash island two years ago at gusto kong magswimming (bakit kaya pag inaya mo yung iba ng swimming, sasama pero sasabihin hindi sila marunong lumangoy, swimming nga eh..dapat pala, soaking ang sinabi ko) pero sabi ni inay wa daw kaming anda (pera) dahil sa maladebut ni margaux at celyn (char!) na birthday ni lola (wow…rhyme..ang lakas makafliptop)

-dahil kinukulit ako ng lola ko (na magbibirthday) kung papaano nya papaunatin ang buhok nyang kinulot ni mang nes…at kung magpapa-parlor pa sya,,

-dahil adobo ang ulam namin na may partner na steam siomai..hahaha

-dahil nawawalan na ako ng gana itext ang crush ko na may jowang nasa malayo…(kahit year of the snake ngayon..gets?)

-dahil simple lang…di ako makatulog…hahaha

-dahil mas simple pa…namiss ko to!!..(-__-)v

Mag-iwan ng puna »

Ang Pagbabalik (@-@)

Grabe-ty..ang tagal ko na palang hindi nakakapagentry or even nakakabisita sa Blog ko..Mejo busy lang sa buhay…ang dami nang nangyari pero ang dami din na ganun pa rin..hehehe…

Mga pagbabago:

-well, natapos ko na rin yung pinagkakaabalahang kong “karir” after 1 and half years.

-last entry ko dito, isa pa lang ang pamangkin ko, ngayon, dalawa na ang obligado kong regaluhan sa christmas, except pa yung mga inaanak ko na dumarami nang hindi ko namamalayan. (maglalaro na naman ako ng tagu-taguan)

-nahihilig na akong magbasa ng english novel..dati hindi eh..binabasa ko pa lang yung title, dumudugo na yung ilong ko..hehehe

-nadagdagan ng 200+ friends yung Facebook ko..compare nung last entry ko hahaha..

-nakapag-aral na akong magluto at mag-bake (i wont say na hindi ako marunong, in-enhance ko lang ang aking cooking skill pero sa baking…ASA..hahaha) -__-

-Ginebra na si LA tenorio..hahaha..

Mga Nanatili

-syempre, mahilig pa rin akong manuod ng mga pelikula/serye na single eyelid ang mga bida..

-maingay pa rin ako pag nanunuod ng PBA..

-wala pa rin akong Juwa pero hindi na ako naghahanap..may prospect na eh..kelangan lang ng konting career,,hehehe,,

-ako pa rin ang naglilinis ng bahay namin…

-at pinakanagbago..24 na ako..hahahha..

2 Mga Puna »

Perstaym

well, after so many days na pag-aabang, sa wakas umulan na rin, nabawasan na ang init at ang nag-ii-status na naiinitan sila sa FB. Nabawasan na rin ang bumibili ng Halo-halo, ice cold softdrinks, saba at mais con yelo, ice candy, Mcfloat, ice cream, shakes at kung mejo mayaman ka frapuccino.

Hahaha..First Rain of Summer 2012. Summer nga tapos Rain??..hahaha..nabasa ko lang yan sa isang status ng friend ko.. Napaisip tuloy ako ng mga “First” ko.

First Schooling– naganap ito nung kinder ako, ewan ko kung kinder ba yun o prep o nursery kasi hindi ko alam ang difference nila. Summer nga ako pumasok sa school,nagtataka kasi ako kung bakit ako lang ang pumapasok sa magkakapatid.. Naalala ko nun, nag-iiyakan ang mga bagets na kasabay ko. Nakatanglaw sila sa may pinto, at nagkukumpulan dun ang mga ka-Nanay-an. Nagtaka ako, kasi yung nanay ko, hinatid lang ako tapos umuwi, may carinderia kasi kami nun eh, walang magbabantay. Pinabaunan pa ako ng Clover chips na cheese flavor eh bawal pala junkfoods, gutom ang inabot ko.hahaha.

First na Pakikipag-away sa classmate– hahaha..kinder lang din ako, kinuwelyuhan ko yung classmate kong si “Jacob”. Tinulak nya kasi yung friend ko eh. Buti na lang uwian na kaya hindi nakita ni teacher. Hahaha.

First drama scene sa school– kinder din ito, naubusan ako ng sopas sa canteen namin. Ayun lupasay at cry to death ako. Ayaw kong tumigil kaya pinasundo ako ng teacher ko sa kapatid ko.

First grader– eto, hindi ko alam ang nangyayari dito sa mundo, sunod lang ako ng sunod sa teacher kong buntis, lagi kasi syang may hawak na bamboo stick eh. Takot akong mapalo. Ayun, after ng school year, 2nd honor ako, bwahaha, ‘first medal” ko.

First trophy– and last..hahaha.. nakuha ko ito nung manalo ako sa Mr. and Ms. United Nation nung grade 2. Miss Korea ako. Hahaha.. Ang nakakatawa pa dito, yung partner ko, ang flag nya, South korea, Tapos yung akin, North Korea…Reunification??hahaha.

First Organization– sa kakapalan ng mukhang ko, sumali ako sa choir.. bwahahaa…ang audition piece ko nun eh :” You’re still the one” ni Shania Twain. Hahaha..ayun Soprano daw ang boses ko..Tapos nung nagprapraktis na kami, ginawa na akong Alto, tapos Soprano uli,,ang gulo nila in fairness.. Choosy pa ba ako?, hindi naman ako ganun kagaling kumanta.

First Year High School–  naculture shock ako dito, dito mo makikita ang ibat-ibang uri nang tao. Dito mo makikita ang ibat-ibang antas ng pamumuhay ng tao. Ganyan talaga sa public school.  Yung mga classmate mo na may kaya- may kayabangan, yung sakto lang na tulad ko at hindi masyadong nakakariwasa. May mga competitive na students na first year pa lang eh nakacondition na ang utak na magiging valedictorian sila.

First Love– ayiiiehh.. harot. Hehehe.classmate ko to, ang talino kasi nya kaya bet na bet ko sya..Hanggang fourth year bet ko sya kaso bigla syang nag-jowa..hahaha..pero atleast nasabi ko sa kanya. Nagbreak din sila nung jowa nya after naming grumadweyt.. First dance ko din sa sa prom night nung 3rd year.

First Enrollment sa College– tadan- time jump, college na ako..hahhaa..sinamahan ako ng kuya at tatay ko para mag-enroll pero wala nman silang ginawa kundi magfoodtrip habang nakapila ako. Hmp..parang ako lang din ang mag-isa. Inabot ako nang maghapon kakaenroll. Ganun pala pag college.

First long vacation trip with my college classmates– third year ata ako nito, pumunta kami sa baguio nung sem break. Lima lang kami at tumuloy kami sa room for rent ng lolo ng classmate ko.. Grabe, todo tipid kami. Hahah..3 days lang kami tapos pumunta kaming pangasinan. Sa bahay ng isa ko pang friend.5 days akong nwala sa bahay, nagpaalam naman ako sa nanay ko kaso hindi ako nakapagpaalam sa tatay ko.. ayun award pag-uwi.

First Job Interview– hahaha..dito ko naramdaman ang peer pressure. Hindi ko naman talaga gusto pang mag-apply eh. Kaso kinulit lang ako ng mga classmate ko. Grabe, pagkahaba-habang exam ang sinagutan namin tapos may elimination kada tapos ng ibat ibang exam. Napasa ko naman ang sangkatutak na exam. After nun eh  one-on-one interview na. Dito ako nadale. Sabi kasi ng classmate ko eh Management Trainee daw yung position na inaaplyan namin at sinabi nya yun nung hinihintay naming yung magpapaexam namin. Malay ko nman kung anong job description nun..Parang ganito yung eksena namin nun…

Nag-iinterview: Can you explain what will be your duties as a Management Trainee?

Ako: (pinagpawisan nang malagkit) hmm. “My duties as a management trainee are to manage”. (bwahahah) sabay bawi- Honestly sir, I don’t know what are the duties of a management trainee. Can you explain it to me?

Nag-iinterview: Management Trainee is blah blah blah……….

Ako : thanks for the information sir.

Paglabas ko nang interview room.. natawa na lang ako. Nagpromise ako na pag nag-apply ako eh pag-aaralan ko na yung job description ng position na inaaplayan ko hahah..nakakahiya..at least honest. And honesty is the best policy.

First job–  minimum wage+ 6 days a week + 12 hours of work + 15 minutes lunch break +  stressful na work + masungit na boss + atribidang kawork = resign after 3 months..hahaha..

Nakakatuwa rin mag down to memory lane habang mejo malamig ang panahon. Kasalanan yan nang ..First Rain of Summer 2012 at nang clover chips na kinain ko kanina.  🙂

2 Mga Puna »

babae ako????

Sabi ng kapatid kong lalaki, nagkamali daw nang kasarian yung Lumikha sa akin. Para daw akong lalaki.. Napatingin tuloy ako sa salamin..wala naman akong bigote, balbas at adam’s apple.Pambabae naman ang features nang face ko. Siguro may kinulang sa ibang aspeto pero babae ako..joke

Pero seriously, alam ko kung ano ang tinutukoy nya, hindi kasi ako umaasal ng tipikal na babae..

1. hindi ako mahilig magsuklay- kasi naman, pag nagsusuklay ako, feeling ko laging autumn, ang daming hairfall. tsaka hindi naman ako madalas umalis eh.pero pag umaalis naman ako, nagsusuklay ako. hindi rin ako nagmamake-up..maliban na lang kung may job interview o nagpapacute ako..hahaha

2. mahilig akong manuod ng basketball at boxing- mas pinipili ko pa manuod ng laban ng PBA lalo na pag ginebra kesa manuod nang mga kadramahan sa gabi. Napapamura pa ako pag sablay ang tawag ni ref sabay tingin kung narinig ng nanay ko..bawal daw magmura, lalo na pag naririnig ni ina. Pero pag boxing naman, kasabay ko yung tatay ko nanunuod. aktwali, ako lang yung nanunuod, paalis-alis kasi siya, sabay tanong kung anong nangyari..sabi ko nga one time, kung gusto nya ng reenactment..hahah..

3. Mahilig akong maglaro ng laban2x- hahaha..yun ang tawag ko dun sa mga marvel vs capcom, tekken, at iba pang kauri nila..pindot lang ako ng pindot pero natatalo ko yung kapatid kong may sinasabi pang “super” daw (nagliliyab yung character).

4. mas madalas kong kausap yung mga kapatid kong lalaki kesa dun sa mga soul sisters ko- eh kasi naman si sister, opposite ko to the max. prim and proper ang drama..eh yung mga kapatid kong lalaki, puro kalokohan kaya nakakarelate ako.

5.  Nakikipag-inuman ako- pero sa bahay lang namen, kasama yung dalawa kong kapatid. In fairness, hindi pa ako nalalasing sa tanang buhay ko.. mabait naman kasi yung mga kainuman ko, 1/2 lang ang tagay ko..tsaka sabi ko pag ako nag “sukamichi”- as in sumuka, sa aparador nila..hahahahha…salbahe..

6. Nung bata ako, mahilig akong maglaro ng text (as in yung text na cards..BTx na cartoons pa nga yung una kong text. piso apat na cards), basketball at wrestling with my kuya (lagi kami nagsasapakan ng kuya ko eh, one time…tinulak nya ako sa pader..dugo ilong ko, tapos kiniskis nya yung talampakan nya sa pisngi ko, eh lagi p naman syang nakayapak nun..umiyak ako nun eh, kasi namantal yung pisngi ko..) note: habang tinitipa ko tong parteng ito, tinitingnan ako ng kuya ko, nararamdaman siguro nya na binbanggit ko siya sa sinusulat ko.. 😉

7. Wala akong paki kung madungis ako- si Ms Punas sa damit ako eh..hahaha..parang mannerism.. unlike…heheheh.

8. Eto ang Pinaka sensitibong parte..wala kasi akong jowawers..since birth..hahahah…sabi nga nang kuya ko, pag may pinakilala ako sa knila na jowa ko, itatali na daw nila at hindi na papauwiin,.kala mo naman kung makapag-salita sila, wla din naman silang ini-introduce na jowa nila..eh di fair lang hahaha…

sabi ko nga sa kanila, hindi naman basehan yung mga nabanggit sa pagiging babae..sadya lang unique ang mga personalities na mga utaw (tao). walang basagan ng trip…hahahah..cheers!

3 Mga Puna »

Mag-Hintay

Madaling araw na,bukas pa ang mata

Nakahiga sa kama at nakatulala

Katulad kahapon,kagabi at kanina

Mukhang nasa isip na naman kita

 

Naghihintay yan ang lagi kong ginagawa

Na ako’y maisip mo man lang o maalala

Masakit mang isipin na sayo ako’y tila balewala

Pero hintayin at isipin kay parang wala akong sawa

 

Alam kong wala naman talaga akong mapapala

Sa nararamdaman ko sayong sobrang paghanga

Dahil hindi naman ako yung tipong ubod ng tanga

Para maintindihan na ikaw at ako’y walang pag-asa

 

MAGHINTAY, yan lang ang aking magagawa

Na darating ang pinakahihintay kong araw na

Kaya MO nang sabihing  “Gusto rin Kita”

o kaya naman ang araw na kaya KO ng sabihing “Limot na kita”

Mag-iwan ng puna »

Withdrawal of Emotional Investment..now na?

Minsan, may mga taong pagkatapos guluhin ang mundo mo, biglang mawawala na parang yelo sa basong may tubig , na tila parang  walang nangyari pero nag-iwan nang napakalaking marka sa pagkatao mo.

Sa mga ganitong sitwasyon, pinipilit mong aluin ang sarili mo, na okay lang dahil nabuhay ka naman ng ilang taon na wala siya, na hindi sya worth it, na siya ang nawalan, na makakahanap ka rin ng much better sa kanya.

pero nandiyan pa rin ang mga sandali na nakakapagod magpretend na ayos ka lang, na hindi masakit, na wala lang siya, na kaya mong hindi makipagcommunicate sa kanya pero alam mo na SIYA lang ang hinahanap at gustong mong makita, makausap at makasama.Pero wala kang karapatan mag-inarte ng ganito dahil hindi naman siya naging iyo. As in hindi sya iyo, at hindi ka kanya..free for all!!!.kasi wala kang lakas nang loob na sabihin sa kanya na “Hello, hindi mo ba napapansin, gumaganda ako,blooming ako, maaliwalas akong tingnan at yan ay dahil sayo!” sabay kindat. Umaasa at umaambisyon lang as in ambisyosang palaka.

pero anong gagawin KO??Kinaclaim ko na ambisyosang palaka ako..Na hindi nya ako bet at umaasa lang ako sa ganda ko, ganda ng ugali hahahaha..hindi ko naman gusto yung mga ganitong scenario eh..Ang Hirap.., parang ang daming sagabal, isa dun ay yung damdamin kong hindi mo marinig-rinig at ang damdamin mong bingi o nagbibingihan.

Sabi nila everything happens for a purpose.Iniisip ko tuloy, ano bang purpose at nakilala kita?

Minsan naisip ko what-if kung hindi kita nakilala, wala sigurong kadramahang nagaganap. wala sigurong pag-papagupit at pagpapagandang naganap, wala sigurong pagpapalit ng sim card na naganap, wala sigurong pagpapalit-palit na profile pic sa Facebook na naganap. Wala sigurong pag-aabang sa status (kasama dun ang paglike at pagcomment) mo  na naganap. Wala sigurong pagdodownload ng mga lovesongs na naganap (feel na feel mo pa na ang mga lyrics ay representation nang feelings mo). At higit sa lahat, wala sigurong pagkanta ng catch me im fallin habang pumupupu at can this be love? habang naliligo na naganap..letse..

well..kaya ko to..!!!! Aja!Aja!Aja!

2 Mga Puna »

Nang May “Dumaan”

Sabi nila, ang pag-ibig ay hindi daw hinihintay, kusang dumadating nang di mo namamalayan. Eh pano kung wala kang malay na dumating na nga dahil pilit mong hinahabol ang isang taong sinasabi mong “the one”, pero sa totoo lang, isa lang sya sa mga sinasabing napadaan. Napadaan sa journey nang buhay mo na nagkakaroon ng significant dahil sa naramdaman mo. Napadaan na bibigyan ka ng ibat-ibang klaseng emosyon, Masaya, malungkot, excited, yamot, gigil, maaliwalas, at kung ano-ano pang emosyon na hindi mo mapangalanan. In short, mga fake na prince charming, mga palakang panggulo.

Pag-usapan na naten ang mga dumaan na sinasabi ko. May tatlong categories yan, yung una ay yung dumaan tapos sinabayan ka sa paglakad holding hands pa minsan pero sa ikasunod na kanto, lumiko at iniwan ka sa gitna nang daan. Dobleng sakit dahil naiwan ka na nga ay nabundol ka pa ng dumadaang sasakyan.  Yung pangalawa naman ay yung dumaan tapos sasabayan ka sa paglakad, yun pala holdaper (hindi literally holdaper na kumukuha ng gamit)- kala mo totoo, yun pla ay may motibo, may hidden agenda. Bet ka lang nya kasi may benepisyong makukuha sayo.  Yung pangatlo naman eh yung dumaan na nakipagngitian at tangu-an lang, paasahin kang sasabay sa paglalakad tapos biglang sasakay ng jeep. Eh di naiwan kang nakanganga. Hahaha.

Pero honestly, hindi ako bitter sa mga taong ‘”dumaan” lang. dahil sa kanila, natuto ako. Sabi nga sa kanta, Im wiser now. Kahit nasaktan ako, sumaya naman ako at nalaman ko ang mga capabilities ko. Mga kaya kong gawin na hindi ko maimagine na magagawa ko dahil sa naramdaman ko. Naramdaman ko na hindi ko alam kung pag-ibig na ba ang tawag.  🙂

1 Komento »